^

PSN Palaro

Yap, scoring champion ng PBA

-

Si James Yap ang scoring champion ng nakaraang season, si Asi Taulava ang rebounding king at si Jayjay Helterbrand naman ang hari sa larangan ng assists sa nakaraang 2007-08 PBA season.

Winakasan ng Purefoods star na si Yap ang paghahari ni Mark Caguioa ng Ginebra ng dalawang taon, nang magsumite ang 2006 MVP winner ng 21.32 points average para maungusan si two-time MVP awardee Willie Miller na may average na 20.67 points.

Napanatili naman ng CocaCola star na si Taulava at ng Ginebra playmaker na si Helterbrand ang kanilang korona sa rebounding at assists department matapos magposte ng average na 12.51 rebounds per game at 6.5 assists per game ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ni Taulava si Kelly Williams ng Sta. Lucia (10.73) habang naungusan ni Helterbrand si Jimmy Alapag ng Talk N Text (5.9).

Nanguna naman ang Rookie of the Year awardee na si Ryan Reyes ng Sta. Lucia sa steals, si Arwind Santos naman ng Air21 ang hari ng supalpalan.

Nagtala si Reyes ng average na 2.1 steals per game, nagposte naman ni Santos ng 1.45 average sa blocks. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARWIND SANTOS

GINEBRA

HELTERBRAND

JIMMY ALAPAG

KELLY WILLIAMS

MAE BALBUENA

MARK CAGUIOA

ROOKIE OF THE YEAR

RYAN REYES

TALK N TEXT

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with