Romero bagong PBL Chairman
Ibinoto si Dr. Michael “Mikee” Romero, naging matagumpay sa sports at negosyo, bilang chairman ng Philippine Basketball League (PBL) by acclamation sa Board of Governors’ meeting kamakailan sa Sofitel Philippine Plaza sa Manila.
Kinilala bilang amateur basketball “godfather” sa pagsuporta sa matagumpay na kampanya ng Philippine team sa 2007 Southeast Asian Basketball Asso-ciation na naging daan para makabalik ang bansa sa international competition, pinalitan ni Romero, 37, si Dr. Cecilio Pedro, ang nagmando sa nakaraang matagumpay na season ng PBL.
“I’m deeply honored with the trust and confidence bestowed by my fellow owners and their representatives for making me the new chairman of the league,” ani Romero, na nangakong gagawin niyang tunay na developmental ang PBA para sa mga rising stars.
Ayon sa Chief Executive Officer ng nangungunang non-containerized port terminal na Harbour Centre Port Terminal Inc. (HCPTI) at ng kanilang parent company na Harbour Centre Port Holdings, nais niyang palakasin ang liga para makahubog ng mga ‘quality players’ natatawagin niyang ‘Generation X’.
Sa pag-akyat ng mga mahuhusay na players sa pro tulad ng kanilang main man na si Jason Castro at ang league top drawer na si Gabe Norwood ng Hapee Toothpaste, plano ni Romero na magkaroon ng training camps sa Davao, Cebu at Manila para makakuha ng mas malaking interes mula sa mga kabataan.
- Latest
- Trending