Part 3 vs Pacquiao nais ni Marquez

Kung mananalo laban kay world lightweight titlist Joel Casamayor ng Cuba, ang pagtatakda sa kanilang ‘trilogy’ ni Manny Pacquiao ang isusunod ni Mexican Juan Manuel Marquez.

Sa pagnanais na sundan ang 29-anyos na si Pacquiao, umakyat na rin ang 35-anyos na si Marquez sa lightweight division kung saan niya makakasagupa ang 37-anyos na si Casamayor sa Setyembre 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Matatandaang inagaw ni Pacquiao ang dating suot ni Marquez na World Boxing Council (WBC) super feather-weight crown via split decision noong Marso 15 bago inangkin ang bitbit na WBC lightweight belt ni Mexican-American David Diaz mula sa isang ninth-round TKO noong Hunyo 28. 

Ang nasabing pagkatalo sa world four-division champion na si Pacquiao ay hindi pa rin natatanggap ni Marquez.   

“I showed that in feather-weight and super feather-weight that he couldn’t beat me,” wika ng kilalang “El Dinamita” sa naturang rematch kay Pacquiao. “Something strange happened with that last decision, but I proved I’m the better fighter.”

Inaasahan pa rin ni Marquez, may 48-4-1 win-loss-draw ring record kasama ang 35 KOs, na muling magkukrus ang kanilang landas ni Pac-quiao (45-3-2, 35 KOs) saka-ling talunin niya si Casamayor (36-3-1, 22 KOs) para sa light weight crown ng Ring Maga-zine.

 “But maybe in the future, I’ll fight him again,” wika ni Marquez, nasa bakuran ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya.

Magsasagupa sina Pac-quiao at Dela Hoya (39-5-0, 30 KOs) sa isang non-title welter-weight fight sa Disyembre 6 sa MGM Grand sa Las Vegas. (Russell Cadayona)

Show comments