RP Youth pasok sa q’finals

TEHRAN -- Kinalimutan ng Philippine Youth team ang masaklap na pagkatalo sa Lebanon kamakalawa nang kanilang pasadsarin ang United Arab Emirates, 73-54, para makausad sa quarterfinals ng 20th FIBA-Asia Youth Basketball Championships sa Azadi Stadium dito.

Nagpaulan ng tres ang RP 5 sa pangunguna nina Samuel Marata at Gabriel Banal sa first half kung saan umabante ang mga Pinoy ng 23-10 pagkatapos ng first quarter at 41-24 sa halftime.

Ang panalo ay ikalawa sa tatlong laro ng Nokia-backed RP five sa pagtatapos ng kanilang elimination round campaign kung saan pumangalawa sila sa Group C sa likod ng Leba-non na may malinis na 3-0 record matapos ang 95-80 pananalasa sa Chinese-Taipei.

Ang top-two-teams sa four-group under-18 tournament ay uusad sa susunod na round.

Ang RP Team na nata-lo sa Lebanese 87-84 noong Biyernes ay bumagsak sa Group 2 ng Final Eight kung saan kasama nila ang Japan, Korea at host Iran at ang una nilang quarterfinals assignment ay laban sa mga Koreans.

Kasama ng Lebanon sa Group 1 ay ang defending champion China, Kazakhstan at Syria.

Show comments