^

PSN Palaro

Final Four ipopormalisa ng DLSU at FEU

-

Tangka ng defending champion De La Salle University at ng Far Eastern University na ipormalisa ang pagkopo ng slot sa Final Four sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban ngayon sa 71st UAAP men’s basketball tournament na magpapatuloy sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng DLSU Green Archers ang naghahabol na University of Santo Tomas sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon.

Kung may kabigatan ang laban ng La Salle lalo pa’t wala ang kanilang coach na si Franz Pumaren na kasama ng RP Youth Team  sa Iran para sa FIBA-Asia Youth championships, magaan naman ang kalaban ng FEU Tamaraws.

Sasagupain ng Far Eastern ang National University sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon.

Taglay ng Ateneo ang nangungunang 11-1 win-loss slate kasunod ang Tamaraws at Archers na tabla sa 8-3 win-loss slate habang nasa fourth place naman ang University of the East na may 7-5 record.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Ateneo, nakakasiguro na sa Final Four, upang makopo ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top-two teams pagkatapos ng eliminations.

Hawak naman ng UST Tigers ang 5-6 kartada sa ikalimang puwesto at kailangan nilang ipanalo ang huling tatlong laro para makasama sa susunod na round.

Mainit ang Tamaraws sa kanilang three-game winning streak kung saan ang huli nilang biktima ay ang La Salle, 83-75 kung saan bumandera si Mark Barroca na may 26-puntos at 7-rebounds.

Sa taglay na 2-9 record, sibak na sa kontensiyon ang NU Bulldogs tulad ng host University of the Philippines (3-9) at kulelat na Adamson University (2-10) bunga ng mababang records.

Mangunguna sa FEU sina Barroca, Benedict Fernandez, JR Cawaling, Reil Cervantes at Aldrich Ramos habang sina Edwin Asoro, Jewel Ponferrada, Jonathan Jahnke, Jessy Garcia at Raymond Aguilar ang hahataw para sa NU na galling sa 58-68 pagkatalo sa Uste.  (Mae Balbuena)

ALDRICH RAMOS

ARANETA COLISEUM

ASIA YOUTH

FINAL FOUR

LA SALLE

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with