^

PSN Palaro

Ang lakas ng Ginebra!

FREE THROWS - AC Zaldivar -

Matapos na magkampeon ang Barangay Ginebra sa PBA-Smart Fiesta Conference ay may isang buwa’t kalahati ang Gin Kings para magpahinga at magpagaling sa mga injuries na sinapit nila.

Iyon ang magandang balita! At dahil doon ay excited ang mga Barangay Ginebra fans sa prospects ng kanilang koponan sa 34th season ng PBA na magsisimula sa Oktubre 4.

Kasi nga naman, kung noong sangkatutak na players ng Barangay Ginebra ang may injury ay nagawa ng Gin Kings na magkampeon, ano pa ang puwedeng gawin ng kanilang paboritong koponan kapag healthy na ang lahat ng manlalaro?

Isipin na nga lang noong Finals ay hindi napakinabangan si Jayjay Helterbrand mula Game Three hanggang sa Game-7.

Katunayan, si Helterbrand, na siyang Best Player of the Conference, ay nagtamo ng hamstring injury sa third quarter ng Game Two.

Ang mga big men na sina Rafi Reavis at Billy Mamaril ay may sari-saring injuries din kung kaya’t pahapyaw lang ang gamit sa kanila ni coach Joseph Uichico sa Finals.

Pagkatapos ay may iniinda din ang leading scorer ng Gin Kings na si Mark Caguioa kung kaya’t hindi ito naging kasing produktibo sa Finals tulad ng pagiging produktibo nito sa elimination round.

Si Paul Artadi ay nahilahod din sa Finals subalit pinilit pa rin nitong makapaglaro at makatulong sa kanyang koponan.

Pero ang pinakamalaking naitulong ay si Ronald Tubid na inakala ng karamihan ay sa susunod na season na nila makikitang maglaro matapos na magtamo ng injury sa elims. Pero nang hindi na nga puwede si Helterbrand ay biglang naglaro si Tubid at siyang nagbigay ng panibagong energy sa Gin Kings.

Kaya nga si Tubid kasama ni Eric Menk ay pinarangalang co-Finals Most Valuable Players ng PBA Press Corps.

So, kapag inisip ng mga Ginebra fans na ang lahat ng manlalarong nabanggit ay 100 percent healthy papasok sa 2008-09 Philippine Cup, aba’y dapat siguro na ang Gin Kings ang maging top seed at hindi ang nagtatanggol na kampeong Sta. Lucia Realty.

Pero siyempre, kung ikaw si Uichico, mas gugustuhin mong Sta. Lucia o iba pang team ang maging top seed at huwag tignan ang Barangay Ginebra sa Philippine Cup. Ayaw mong magkaroon ng mabigat na pressure sa balikat!

Kagaya ng naganap sa nakaraang Fiesta Conference kung saan come-from-behind ang naging tagumpay ng Barangay Ginebra.

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BILLY MAMARIL

ERIC MENK

GIN KINGS

PERO

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with