^

PSN Palaro

Estimar magiting na nakipaglaban

-

BEIJING  — Lumaban si Mary Jane Estimar na namamaga ang paa at matindi ang determinasyon nito ngunit natakot ang kanyang coach sa kanyang pagka-agresibo kaya isinuko nito ang ginto kay Qin Lizi ng China sa Beijing  wushu competitions  kahapon.

Dahil hindi nito naisagawa ang kanyang  trademark kick, ginamit ni Estimar ang kanyang mga kamay bilang panlaban ngunit sinamantala ng Chinese na kalaban ang kanyang injury na natamo sa quarterfinal round at lalong lumala sa semifinals, upang dominahin ang first round.

Sa utos ni wushu president Julian Camacho, inihayag ni Chinese coach Liu Yu Fu, na ayaw na rin mapahamak pa ang alaga, ang pagsuko bago ang second round ng 52kg class sanshou (combat) event.

Nagdiwang ang Chinese crowd sa tagumpay ng kanilang pambato ngunit nagpalakpakan ng malakas ng buhatin si Estimar ng kalaban sa playing hall ng Beijing Olympic Sports Center.

Binigyan pa uli si Estimar ng standing ovation nang tanggapin nito ang silver medal sa closing ceremonies ng three-day side event sa Beijing Olympic Games.

“I wanted to win the gold but my body was aching. “At least I put up a fight,” wika ng 25-gulang na si Estimar. Last night I thought I could bear the pain, so I decided that I should fight, but after the first round, my coach decided that I should not continue. Silver is all right, at least I worked hard for it.”(Gerry Carpio)

BEIJING OLYMPIC GAMES

BEIJING OLYMPIC SPORTS CENTER

ESTIMAR

GERRY CARPIO

JULIAN CAMACHO

LIU YU FU

MARY JANE ESTIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with