^

PSN Palaro

Rivero huling baraha ng Pinas

- Ni Gerry Carpio -

BEIJING --Sisikapin ni Mary Antoinette  Rivero na maisakatuparan ang hindi  naibigay ng kakamping si Tshomlee Go sa men’s division, ngunit kailangan niya ng guts, breaks at dasal para malusutan ang butas ng karayom sa welter-weight event ng Beijing Olympics taekwondo competitions ngayon.

Bawat hakbang na daraanan ay hindi magiging madali para sa 20 anyos na Athens Olympian na makakalaban ang tumalo na sa kanyang si Sandra Saric ng Croatia sa first round, at kapag nagtagumpay malamang na ang dalawang pangunahing jins sa mundo na tumalo na rin sa kanya sa mga nagdaang international campaigns ang kanyang makakalaban.

Ang kabiguan sa round-of-16 ay magdadala kay Rivero sa repechage o mapatalsik sa medal round depende kung ang player na tumalo sa kanya ay makakapasok sa final round.

At ang panalo naman sa semifinal round ay magsisiguro sa kanya ng silver at tsansa para sa kauna-unahang gold medal ng Philippines sapul nang lumahok ito sa Olympics noong 1924.

Ang kabiguan ay magpapaalala sa kanya ng 2004 Athens Olympics kung saan natalo siya sa Korean champion na si Hwang Hyung-seon at makawala ang bronze medal nang gapiin naman siya ng Greek favorite na si Elisavet Mystikadou sa repechage.

Magsisimula ang laban bandang alas-11:00 ng umaga sa playing hall ng Beijing University of Science and Technology.

Samantala, sasabak din sa aksiyon ngayon ang Pinoy diver na si Ryan Rexel Farbiga sa 10 meter platform event para sa huling partisipasyon ng Pinoy sa 29th Olympiad na magwawakas sa Sabado.

Ang 22 anyos na si Fabriga, tubong Davao City na nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 2003 Vietnam SEAG ay makikipagtunggali sa 29 pang ibang divers sa panggabing event kung saan pinapaboran ang dalawang Chinese diver.

Iginigiya ng Chinese coach na si Zhang Dehu, ang Pinoy bet ay nakapasok sa Summer Games matapos pumang-apat sa ikatlong yugto ng event sa FINA Diving World Cup na may 410.4 points.

Ito ay magdadive sa magnipikong National Aquatic Centre at asahang kakabahan na makipaglaban kontra sa mga world-caliber diver na sina Zhou Luxin at Huo Liang, ang hometown heroes sa event na ito na pinaghaharian ng mga Chinese.

ATHENS OLYMPIAN

ATHENS OLYMPICS

BEIJING OLYMPICS

BEIJING UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

DAVAO CITY

DIVING WORLD CUP

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with