Kinailangan ng Ateneo de Manila University ang kabayanihan nina Chris Tiu at rookie Ryan Buenafe tungo sa 61-57 overtime win kontra sa University of the East na naglapit sa kanila sa twice-to-beat ticket sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Si Tiu ang nagpakawala ng game-tying triple sa huling 13.6 segundo ng regulation, habang kinana naman ni Buenafe ang clutch drive para sa ika-10 panalo ng Ateneo sa 11 laro na nagpahigpit ng kanilang kapit sa pangkalahatang pamumuno matapos makasiguro na ng slot sa Final Four.
Nagtapos ang laro sa 50-50, matapos ang apat na quarter mula sa basket ni Tiu ngunit si Buenafe ang kumana ng layup na bumasag ng 57-pagtatabla ng iskor patungo sa huling 21 segundo ng labanan. Nasayang ang tsansa ng Red Warriors na dahil sa ikalawang overtime ang laro nang magmintis si Elmer Espiritu sa kanyang undergoal stab at nakuha ni Nonoy Baclao.
Sa unang laro, dinomina ng University of the Philippines ang Adamson na lumarong wala ang mga key players na sina Paul Gonzalgo at Marc Agustin tungo sa 73-42 panalo para sumulong sa 3-8 kartada.
Sa women’s division, nagposte si Lynne Reyes ng 18 points at 22 rebounds nang igupo ng league-leading FEU ang La Salle sa overtime, 62-57, para sumulong sa 9-1 kartada habang bumandera naman si Fatima Tolentino para sa 21 points at 16 boards nang igupo ng UP ang UST, 63-5, para makopo ang No. 2 spot sa 8-2 record.
Tinalo rin ng Adamson ang NU, 61-47, para sa 5-5 kartada at nanaig din ang Ateneo sa UE, 66-46, para sa 4-6 record.