^

PSN Palaro

Naghahanda na sina Go at Rivero

-

BEIJING  -- Isang closed door training ang isina-gawa nina Filipino taekwondo jins Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero, pagkatapos ay nagsimba at nag-light training uli sa Athletes Village kinahapu-nan sa huling paghahanda para sa Olympic tae-kwondo competitions dito.

“It’s a very exclusive training we’re doing right now. The training is not intensive. What is important  now is just to stay put, take the pressure off their mind, and relax,” ani Filipino coach Rocky Samson.

“This the actual arena, it meets international standards, and they will be fighting in a similar mat when they get into the competition,” wika pa ni Samson, patukoy sa 10m x 10m mat sa training hall sa Capital Institute of Physical Education sa downtown Beijing.

Hindi pinapasok ang mga media at observers para sa interview  sa mga atleta na nagtre-training ngunit nakausap ang mga ito pagkatapos ng kanilang isang oras na workout na natapos ng alas-9:00 ng umaga.

Ang mga top two qualifiers mula sa 2007 world championships na sina Hwang Kyung-seon ng Korea at Gwladys Epangue ng France ang mga jins to beat sa women’s taekwondo na magsisimula sa Aug. 22.

Pagkatapos ng workout, si Go ay tumimbang ng eksaktong 58 kilos, ang weight limit sa flyweight division. Hindi rin nalalayo si Rivero sa weight limit na 67 kilos para sa welterweight (-67 kg) class. (Gerry Carpio)

vuukle comment

BEIJING

CAPITAL INSTITUTE OF PHYSICAL EDUCATION

GERRY CARPIO

GWLADYS EPANGUE

HWANG KYUNG

MARY ANTOINETTE RIVERO

ROCKY SAMSON

TSHOMLEE GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with