4 na lang silang natitira
Ang 11 sa 15-member Philippine delegation ay umuwi na sa Manila at ang iba sa US at ang iba naman ay nagpaiwan para sa closing ceremonies, kaya apat na atleta na lamang ang natitira sina taekwondo jins Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero, diver Rexel Ryan Fabriga at long jumper Marestella Torres.
Hinihintay kahapon ang resulta kung sino ang papasok sa finals ng women’s 3m springboard diving at women’s 50m freestyle at men’s 1,500m freestyle sa swimming ngunit sa kasamaang palad, hindi na makakasama ang pangalan dito ni Sheila Mae Perez na umaasang makakapasok sa 12-woman finals ngayon dahil nasibak na siya sa first round pa lamang.
Napunit ang mga swimsuits nina Christel Simms at Ryan Arabejo bago pa man lumubog sa pool kaya hindi nila naabot ang kanilang Philippine marks.
Naging sentro ng atensiyon ang mga Americans, partikular na kay Michael Phelps na nagtala ng record eight-gold medal haul matapos ang panalo ng US Team sa 4x100 medley relay.
Ang team na kinabibilangan din ni Aaron Peirsol, Branden Hansen at Jason Lezak ay nagtala ng bagong world record time na 3:29.34.
Ang 17-gulang na si Simms ay inihahanda para sa 2012
Si Henry Dagmil ang huling nalaglag na ika-18th sa long jump preliminaries nitong Sabado sa Bird’s Nest kung saan nakalaban niya ang mga bigating athletes at lumundag lamang ng 7.58m na di nakasapat sa kanyang personal best na 7.87m.
Nakatakda namang sumabak si MarestellaTorres, isa ring wild card entry, at hangad niyang higitan ang kanyang personal best na 6.63 meters sa preliminaries bukas habang sina Go at Rivero, ang mga atletang inaasahang manalo ng gold ay sa Aug. 20 at 22 pa sasabak ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending