^

PSN Palaro

Dasal at suporta kailangan ng Pinoy jins

- Ni Gerry Carpio -

BEIJING --Ipinahayag ni Philippine Taekwondo Association president Robert Aventajado na may dalawang tsansa ang bansa na masungkit ang gintong medalya sa Beijing Olympic Games-- at ito ay kapwa sa taekwondo.

“We’ve put tremendous effort for this quest. The taekwondo association  did not leave anything unturned to give them (Tshomlee Go and Toni Rivero) the preparation they need to succeed,” ani Aventajado.

Gayunpaman, sinabi rin niya na masyadong mahigpit ang pamithiin at nangangailangan ang taekwondo jins ng lahat ng suporta sa kanilang pangarap sa Olympics.

“The Filipino people will be praying for their success. I’m sure they’ll be successful. Winning will be an achievement for everybody,” aniya.

At bilang panimula, ang PTA at Petron ay naglikom ng kanilang lahat ng makakaya para ibigay kina Go Rivero ang P50,000 bawat isa para lang makasama sa Olympics.

Nangako ang Petron ng  P300,000 para sa bronze, P600,000 sa silver at P1 million sa gold bukod sa P15 million na ibibigay ng Malacañang at pribadong sponsors.

Sinabi ni Aventajado na kapwa dedikado ang dalawang jins sa sports na kanilang napili. Si Rivero ay national player na sapul pa noong Athens Olympics at si Go naman ay pitong taon na sa national team.

Kapwa recipients sila ng long-term program ng PTA na may nakabase ng 500,000 practitioners.

“To participate is a distinction. But winning is something else. We want the gold. We prepared them to win. If they succeed, the taekwondo program is good. If not, we shall review it,” dagdag ni Aventjado.

Sinabi ni Aventajado na naabot na ng Philippine taekwondo ang world level  ngunit aminado na dumarami din ang bansang umaabot na sa pinakamataas na antas ng paglalaro na naging dahilan upang maging bukas na kompetisyon ang Beijing Olympics para sa may 16 qualifiers ng bawat divisions.

Noong 2007 World Championships, ang medalya ay naipamahagi sa 18 bansa na isang patunay na hindi na hawak ng Korea, ang traditional power at pinanggalingan ng sports.

ATHENS OLYMPICS

AVENTAJADO

BEIJING OLYMPIC GAMES

BEIJING OLYMPICS

GO RIVERO

PETRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with