^

PSN Palaro

Malungkot ang araw ng mga Pinoy

- Ni Gerry Carpio -

BEIJING -- Masama ang langoy nina Hawaii-based Christel Simms at Ryan Arabejo sa halos punit nilang swim suits at mabigo na mawasak ang kanilang sariling records, ngunit ang kanilang kabayanihang pagtatangka ay isang anino lamang ng standard times sa pinakamahirap at pinakamabilis na Olympics na ginanap sa National Aquatic Center na tinaguriang “Water Cube”.

Si Simms, na ang ina ay Pinoy at ang ama ay Amerikanong lifeguard sa Hawaii ay nasira ang swimsuit sa may puwetan sa kanyang pagyuko sa starting block. Binigyan ito ng tsansang magpalit ngunit nagdesisyong huwag na upang hindi madisqualify.

Naorasan ito ng 26.64 seconds, na malayo sa kanyang 26.31 sa 50m freestyle.

“She could change her suit, but that would have taken time and the sixth heat was to begin,” wika ni swimming president Mark Joseph.

Kung wala ito sa kanyang puwesto sa lane 5 sa panimula ng karera, mamamarkahan ito ng DNS (did not swim) sa official results.

“Water entered the suit and that caused a drag, which affected her swim,” ani Joseph, dating Olympian.

Nasira din ang swimsuit ni Arabejo may 20 minutes bago ang kanyang unang heat sa 1,500m freestyle.

Nagtapos ito sa heat sa oras na 15 minutes, 42.27 seconds, 3.4 seconds off ng kanyang  Philippine record na 15:39.86.

Sa 3m springboard diving event, umiskor ng 251.15 ang 22 anyos na Southeast Asian Games queen na si Sheila Mae Perez ngunit nabigong makasama sa 18-member semifinals sa kalahok na dominado ng mga Chinese na mahusay ang dives at may matataas na degree of difficulty.

  At dahil dito, sina Perez, Simms at Arabejo ay makakasama sa listahan ng mga Filipino casualties, walong araw na lang ang nalalabi sa pinakamalaki at pinakabonggang sporting spectacle.

Nauna nang nalaglag sina archer Mark Javier, boxer Harry Tañamor, shooter Eric Ang, swimmers JB Walsh, Miguel Molina at James Coakley, at weighlifter Hidylin Diaz.

  May lima pang naghihintay ng hudyat upang makipaghamok para sa labanan at ito ay sina taekwondo jins Mari Antoinette Rivero at Tshomlee Go, diver Rexel Fabriga, long jumpers Marestella Torres at Henry Dagmil.

ARABEJO

CHRISTEL SIMMS

ERIC ANG

HARRY TA

HENRY DAGMIL

HIDYLIN DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with