^

PSN Palaro

5-sunod sa Baste; Bedans talo

-

Sa pagsulong ng San Sebastian College, isa na namang masaklap na kabiguan ang natikman ng defending champion San Beda College sa pagpapatuloy ng NCAA seniors basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

Sumulong ang San Sebastian College sa ikalimang sunod na panalo matapos pasadsarin ang University of Perpetual Help System Dalta, 68-36, sa unang laro.

Bumandera naman ang Fil-Canadian guard na si Kelvin Dela Peña para sa Mapua Institute of Technology sa pagkamada ng 12 puntos, tampok rito ang krusyal na dalawang freethrows sa dulo ng final canto, at 11 rebounds para tulungan ang Cardinals para gulantangin ang SBC Red Lions, 53-48.

Nanguna si Jim Viray sa kanyang 14 points na sinundan ni Jason Ballesteros ng kanyang double-double performance sa pagkamada ng 12 markers at 15 rebounds para sa kanilang ikaanim na panalo sa 10-laro.

“We just played well, everybody especially Jason  (Ballesteros) and Jim (Viray).  The two want to end their NCAA career by entering in the ‘Final  Four’,” ani San Sebastian coach George Gallent.

Ang 36-puntos na produksiyon ng Atltas ay ang pinakamababang output ng isang team sa loob ng pitong taon na nagbunga ng kanilang ikawalong talo sa siyam na laro na nagbaon sa kanila sa kulelat na posisyon.

Bumagsak ang San Beda sa 6-3 win-loss slate kasunod ang MIT Cardinals na may 5-4 kartada sa likod ng mga nasa unahang Letran Knights (7-1), Jose Rizal University (7-2) at ang Baste (6-4).

Nasayang naman ang 14-puntos ni Sam Ekwe gayundin ang 12 puntos ni Menor. Pinamunuan naman ni Raffy Ynion ang Perpetual sa kanyang 11 puntos.

Sa juniors division, sumulong ang title holder na SSC Staglets sa ikawalong sunod na panalo matapos igupo ang Perpetual Altalettes, 99-61, habang dinurog naman ng San Beda Red Cubs ang Mapua-MSHS Red Robins, 96-35, para sa 4-3 record.

(Mae Balbuena)

CUNETA ASTRODOME

GEORGE GALLENT

JASON BALLESTEROS

JIM VIRAY

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KELVIN DELA PE

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with