Javier higit ang determinasyon
BEIJING - Nadale ng diarrhea ang archer na si Mark Javier may tatlong araw na ang nakakalipas, ngunit sinabi ng Filipino doctor na hindi dapat ito makaapekto sa performance ng Pinoy na makikipagtunggali kay world No. 3 Kuo Chen Wei sa first knockout round ng men’s individual championships ngayon sa Olympic Green Archery field dito.
Ayon kay Philippine team medical director Alex Pineda na binigyan na niya ng antibiotics si Javier sapul nang makaramdam ito ng kakaiba noong Linggo at siniguro na handa at ayos ang pakiramdam ng 27 anyos na archer mula sa Dumaguete.
“He had acute gastroenteritis for three to four days. But we have given him rehydration tablets, antibiotics and regulated his food intake,” wika ni Pineda.
Nag-ensayo si Javier kahapon ng umaga at nagpahinga sa kuwarto ng buong maghapon sa Athlete’s Village.
Iginigiya ni national archer Jennifer Chan, sinabi ni Javier na determinado itong manalo laban kay Kuo, na miyembro ng Chinese-Taipei national team na pumangatlo sa world championships sa Leipzig, Germany noong nakaraang taon. Nagtapos itong ikalawa sa individual event at binanderahan ang Chinese-Taipei team sa gold medal sa team event sa World Cup sa Santo Domingo nitong taon. Noong nakaraang taon, nagtapos na ikalawa si Kuo sa individual event sa World Cup sa Ulsan, Korea.
Ngunit si Javier, na ang kanyang Olympic stint ay nagpakita ng kahusayan sapul nang tumutuntong itong pang-71st sa world championships noong nakaraang taon kung saan 33rd naman si Kuo. Ang kanyang ranggo matapos ang FITA (International Archery Federation) round tatlong araw lamang ay naglagay sa kanyang sa 36th anim na layo kay Kuo.
Sinabi ni Chan na ang pagpapalit ng format -mula sa 18 arrows sa 12 arrows na lamang sa knockout rounds ay masusubok ang skit at mental toughness ng bawat isa.
“Mark is determined. I’m sure that given the breaks, he’ll pull one over the Taiwanese,” ani Chan.
- Latest
- Trending