Tañamor sasalang na; Cuban coach kumpiyansa
BEIJING -- Aakyat ngayon sa ring si Filipino boxer Harry Tañamor kontra sa Cuban-trained African champion Manyo Plange ng Ghana sa first round ng lightflyweight (48kg) category para simulan ang kanyang kampanya sa mailap na gintong medalya sa Olympics sa Workers’ Gymnasium dito.
Ayon kay boxing president Manny Lopez, ang kanyang bata na masidhi ang pagnanais na makatuntong hanggang second round kung saan nabigo itong marating sa Athens Olympics noong 2004, ay nagpapahinga sa bisperas ng gabi ng kanyang laban kay Plange, na sinanay ni Cuban coach Roberto Ibanes Chaves.
Nagkibit-balikat lang ito sa espekulasyong overweight si Tañamor sa weighin nila dalawang oras bago ang aktuwal na laban.
“Harry is just 400 grams over and he ate fruits mostly,” patungkol ni Lopez sa kanyang 30 anyos na bata, isa sa tatlong pambato ng bansa para sa mailap na Olympic medal.
Ang dalawa pa ay sina taekwondo jins Toni Rivero at Tshomlee Go, na sasabak sa aksiyon sa Agosto 20 at 22.
“The Cuban coach (Juan Enrique Steyners Tissert) told me to just relax and not to be nervous as he has prepared him very well (for
Itataya ni Tissert ang kanyang reputasyon bilang Filipino coach sa unang pagkakataon at sinabing nasa tamang mental at physical frame si Tañamor upang harapin ang kalaban kahit anumang kulay para sa kanyang pag-aasam sa Olympic gold. (Gerry Carpio)
- Latest
- Trending