Ekwe, Escobal nagtulong sa panalo ng Lions
Nakakuha ng 22 puntos at 18 rebounds kay 6-foot-8 Nigerian import Sam Ekwe at 19 marka kay Pong Escobal, kabilang ang isang krusyal na three-point shot sa huling 1:14 ng final canto, dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang mga Red Lions.
Binigo ng nagdedepensang San Beda College ang Philippine Christian University, 72-67, upang patibayin ang hawak sa ikatlong posisyon sa second round ng ng 84th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Mula sa 52-55 agwat sa third period, sumandig ang Red Lions kina Ekwe at Escobal sa fourth quarter para sa kanilang 6-2 baraha sa ilalim ng Letran Knights (7-1) at Jose Rizal U Heavy Bombers (7-2) kasunod ang San Sebastian College-Recoletos Stags (5-4), Mapua Institute of Technology Cardinals (4-4), College of St. Benilde Blazers (3-6), University of Perpetual Help-Dalta System Altas (1-7) at Dolphins (1-8).
Sa inisyal na laro, inihataw naman ng Heavy Bombers ang kanilang pang pitong dikit na arangkada makaraang talunin ang Blazers, 87-60, tampok ang tig-16 marka nina James Sena at Marc Cagoco at 10 ni John Wilson.
Nanggaling ang Jose Rizal sa isang 0-2 pagsisimula bago kumayod ng ptiong sunod na pananalasa. (RCadayona)
- Latest
- Trending