Pag-akyat sa welterweight hindi na kakayanin ni Pacquiao
Ang pag-akyat sa welter-weight division ay hindi na kakayanin ng katawan ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao sakaling matuloy ang kanyang pakikipagtagpo kay six-division titlist Oscar Dela Hoya.
Ito ang pananaw ni dating four-division king Erik Morales hinggil sa itinutulak na Pacquiao-Dela Hoya fight ng Top Rank Promotions at Golden Boy Promotions sa Disyembre 6 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Pacquiao will simply be tired by the sixth or seventh round, nothing more to it than that,” sambit ng 34-anyos na si Morales, tatlong beses kinalaban ang 29-anyos na si Pacquiao sa super feather-weight class kung saan dalawa rito ay pinagwagian ng pambato ng General Santos City.
Nagkausap na kamakailan sina Bob Arum ng Top Rank at Richard Schaefer, Chief Executive Officer (CEO) at matchmaker ng Golden Boy ni Dela Hoya para sa sinasabing mega fight.
Samantala, sa isang hindi inaasahang pangyayari, hindi na si Juanito Rubillar ang magtatangkang hubaran ng world light flyweight crown si Mexican Edgar Sosa.
Inihayag kahapon ni Mexican promoter Dr. Fausto Daniel Garcia na si Filipino challenger Sonny Boy Jaro ang siyang makakasagupa ni Sosa para sa suot nitong World Boxing Council (WBC) light flyweight belt sa Setyembre 27 sa La Arena Mexico.
Ang laban kay Jaro ang magiging ikaanim na sunod na pagdedepensa ni Sosa ng kanyang suot na WBC light flyweight crown matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Japanese challenger Takashi Kunishige noong Hunyo 14.
Si Jaro ang bagong light flyweight ruler ng Orient Pacific Boxing Federation (OPBF) matapos talunin si Along Denoy noong Hunyo 20 sa
- Latest
- Trending