^

PSN Palaro

Javier nasa magandang posisyon

-

BEIJING -- Nalagay sa magandang posisyon si Pinoy archer Mark Javier nang magtapos ito sa may gitna ng 64-man pack sa elimination phase matapos ang ranking round sa Olympic men’s individual archery competitions sa Beijing Olympic Green Archery Range dito, kahapon.

SI Javier, pang-79th sa mundo, ay umiskor ng 654 matapos ang 72 arrows at magtapos na pang-36th patungo sa unang round ng knockout phase sa Agosto 13 sa nasabing lugar.

Ang kanyang pagsisikap ay umiwas sa maagang komprontasyon sa mga top guns sa event ng kung saan ang first-ranked archer  ay ipapares sa No. 64 sa top vs bottom format. Makakalaban ni Javier si Kuo Cheng Wei ng Taiwan na pang, 29th sa kanyang 659 iskor.

Ang una at ikalawang round ay gaganapin sa Agosto 13 na ang quarterfinals, semifinals at finals ay sa Agosto 15.

Humatak ng upset si Mexican Juan Rene Serrano nang manguna ito sa ranking round na may 679  at daigin si  world Olympic champion Park Kyungmo ng Korea na pang-apat lamang sa kanyang 676 sa likuran ni Indian veteran Champa Mangal Singh (678).

Nasa ikaapat naman si Malaysian Khalmizam Wan, na ang pinakamagandang tinapos ay No. 38 noong nakaraang archery tournament sa Germany.

At tulad ng inaasahan ang mga world’s top 10 na sina Russian Baljinima Tsyrempilov, IM Dong-Hyun ng Korea at Ilario Du Buo ng Italy ay magkakatabla sa 670. (Gerry Carpio)

AGOSTO

BEIJING OLYMPIC GREEN ARCHERY RANGE

CHAMPA MANGAL SINGH

GERRY CARPIO

ILARIO DU BUO

JAVIER

KUO CHENG WEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with