^

PSN Palaro

Makaulit kaya si Dindo sa DLSU?

-

Noong isang linggo lang ay nagharap ang magkapatid na Dindo at Franz Pumaren.

Naisahan ng University of the East ni Dindo ang defending champion De La Salle University ni Franz, 68-62.

Muling magkukrus ang landas ng magkapatid na ito at malalaman natin kung makakaulit si Dindo sa kanyang kuya na tumalo sa kanya sa finals noong nakaraang taon.

Alas-4:00 ng hapon, magsasagupaan ang La Salle at East sa Araneta Coliseum para sa pagsisimula ng ikalawang round ng eliminations ng 71st UAAP men’s basketball tournament.

Hangad ng Green Archers na masolo ang ikalawang puwesto kung saan kasalukuyan nilang kasosyo ang walang larong Far Eastern University sa likod ng nangungunang Ateneo De Manila University na siyang may pinakamagandang record na 6-1 pagkatapos ng first round ng eliminations.

Bahagyang nakabawi ang East sa La Salle, sa kanilang pagkatalo noong nakaraang taon kung saan nasayang ang kanilang naipundar na 14-game sweep na nagdiretso sa kanila sa finals ngunit tinalo din sila ng Archers sa finals, matapos nilang sirain ang five-game-winning streak ng tropa ni Franz.

Ang Red Warriors ay may 4-3 kartada kasunod ang University of Santo Tomas, 3-4, ang UP Maroons at Adamson University na tabla sa 2-5 at ang kulelat na NU Bulldogs.

Sa unang laro, magsasagupa naman ang National University at ang host University of the Philippines sa ganap na alas-2:00 ng hapon kung saan parehong naghahangad ng back-to-back win ang dalawang koponang ito. (Mae Balbuena)

ADAMSON UNIVERSITY

ANG RED WARRIORS

ARANETA COLISEUM

DINDO

LA SALLE

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with