^

PSN Palaro

Tañamor ‘di muna pinalalabas

-

BEIJING -- Higit pa sa suwerte sa draw at ang presensiya ng reigning world champion na si  Zou Shiming, iniisip din ni  boxing association president Manny Lopez ang maitim na usok na bumabalot sa lungsod na ito.

Kaya nang dumating ang mga atleta dito para makibahagi sa 2008 Olympics, mahigpit na bilin ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) chief sa kanyang boxer na si Harry Tañamor, isa sa inaasahang makapag-uwi ng gold, ay hangga’t maaari ay huwag lumabas ng silid.

“Mabigat at makapal ang haze dito. So the instruction is to avoid staying outdoors due to heavy haze. Avoid lang yung outdoors as much as possible,” ani Lopez.

Naglight workout na ang 30-gulang na si Tanamor, noong Martes ng hapon at kahapon ng umaga.

Kailangan pang makipag-sparring ni Tanamor ngunit naghahanap pa ang RP boxing coaching staff ng sparmates nito.

“Hindi pa nakapag-spar si Harry at nakikipag-coordinate pa kami sa ibang teams dito,” ani Lopez.

Sa kanyang ikalawang Olympic stint ni Tanamor, sa  August 13 pa ang kanyang laban.

Kung susuwerttihin sa draw at makakuha ng first round bye, sa August 16 na ang akyat sa ring ni Tañamor.

Ang drawing of lots ay nakatakda bukas ng umaga.

Si Shiming, ang Chinese national na kasalukuyang champion sa lightflyweight class, at ang European titlist na si David Ayrapetyan ng Russia, ang mga kinokonsiderang paboritong manalo ng gold sa 48-kg. weight.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DAVID AYRAPETYAN

HARRY TA

LOPEZ

MANNY LOPEZ

SI SHIMING

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with