^

PSN Palaro

Viloria susubukan si Solis

-

Susubukin ni dating Filipino world super flyweight champion Brian Viloria na wakasan ang arangkada ni Mexican Ulises “Archie” Solis laban sa kanyang mga nakalabang Filipino challengers.

 Nakatakdang hamunin ni Viloria, ang dating World Boxing Council (WBC) super flyweight titlist, si Solis para sa suot nitong International Boxing Federation (IBF) super flyweight crown sa Oktubre 11 sa Macau, China.

 Ang naturang boxing card ay pinapanalisa na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kung saan magtatanggol ng kanyang hawak na IBF at InterNational Boxing Organization (IBO) flyweight titles si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. kontra kay South African Moruti Mthalane. 

Ang 27-anyos na si Viloria ang magiging pang apat na sunod na Filipino fighter na magtatangkang hubaran ng IBF super flyweight belt ang 26-anyos na si Solis.

 Tinalo ni Solis si Rodel Mayol via eight-round TKO noong Agosto 4 ng 2004, binigo si Bert Batawang mula sa isang ninth-round TKO noong Disyembre 15 ng 2007 at umiskor ng isang unanimous decision kay Glenn “The Filipino Bomber” Donaire noong Hulyo 12 ng 2008.

 Si Glenn ay ang nakatatandang kapatid ni Donaire, kasalukuyang nagsasanay sa San Leandro, California para sa kanyang ikalawang title defense kay Mthalane. 

Tangan ngayon ni Viloria. tinaguriang “The Hawaiian Punch”, ang 22-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 13 KOs, samantalang ibinabandera naman ni Solis ang 27-1-2 (20 KOs) slate. (Russell Cadayona)    

BERT BATAWANG

BOB ARUM

BOXING ORGANIZATION

BRIAN VILORIA

DONAIRE

PLACE

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with