Ateneo No. 1 na
Nakuha ng Ateneo De Manila University ang No. 1 ranking sa pagtatapos ng unang round ng UAAP men’s basketball tournament habang nakatikim na ng panalo ang
Sumandal ang Blue Eagles sa kanilang frontline sa tulong nina Rabeh AlHussaini at Nonoy Baclao upang igupo ang University of Santo Tomas, 64-57 sa Araneta Coliseum kagabi.
Nauna rito, nakabangon ang Bulldogs sa six-game losing streak upang pasadsarin ang Far Eastern University, 69-61.
“We are in a good position going to the second round by being into the Top 2. We got killed by UST in rebounds but we got back by playing good defense,” pahayag ni Ateneo coach Norman Black.
Pinangunahan ng 6’6 na si AlHussaini ang Ateneo sa kanyang 17-points bukod pa sa 11-rebounds at apat na blocks upang para sa kanilang ikaanim na panalo sa pitong laro kasunod ang Far Eastern University at ang walang larong La Salle na tabla sa 5-2 win-loss slate.
Natuwa naman si NU coach Manny Dandan sa kanilang kauna-unahang panalo sa season na ito matapos silatin ang Tamaraws na naputol ang four-game winning streak.
“Kada game, we are focused on winning kaya lang kinakapos kami sa huli. I’m proud of my boys, hindi sila bumigay this time,” ani Dandan.
Nanguna si Jewel Ponferrada sa pagkamada ng 16 points, six rebounds at four blocks habang nagdagdag naman si Jahnke ng 15 points at six boards para sa Bulldogs.
Tanging konsolasyon ng FEU ay ang pagbabasura ng UAAP Board sa apela ng University of the East sa kanilang protesta sa 69-71pagkatalo noong July 26.
“The results of the game (between the Tamaraws and the Red Warriors) will stand. In other words, FEU and UE’s record will also stand,” ani UAAP secretary-treasurer Herc Callanta pagkatapos ng dalawang oras na emergency meeting. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending