BEIJING -- Magiging opisyal na ang pagiging bahagi ng Philippines sa “Olympic Family” ngayong hapon sa isang simpleng flag-raising ceremony sa loob ng malawak na Olympic Village, ang tahanan ng mga atletang sasabak sa 29th Summer Games.
Itataas ang bandila ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng pambansang awit na dadaluhan ng mga atletang Pinoy at opisyal sa ala-una ng hapong seremonya na pangungunahan ni Village Mayor at Communist Party official Chen Zhili.
Kabibilangan nina Philippine Olympic Committee treasurer Julian Camacho, Administrative official Moying Martelino, administrative assistant Eleonor dela Pena, archer Mark Javier, shooter Eric Ang, coaches Jennifer Chan at James Chua, wushu bets Willy Wang, Benjie Rivera, Mary Jane Estima at Marian Mariano ang bubuo ng maliit na delegasyon ng bansa.
“Ít will be a short ceremony. The Philippines is one of several countries holding their respective flag-raising rites tomorrow (today),” ani Camacho na naunang dumating sa Beijing kasama sina Martelino at Dela Pena para dumalo sa delegations meeting.
Pagkatapos ng welcome speach ng isang senior official ng Communist Party bibigyan ang Team Philippines ng regalo bilang token tulad ng naka-ugalian at ayon kay Camacho ay magbibigay din ang RP Team ng special souvenir sa Village Mayor.
Pormal na magbubukas ang Olympics sa Biyernes sa isang magarang seremonya sa alas-8:00 ng gabi bilang hudyat ng pagsisimula ng kompetisyon para sa 10,708 athletes mula sa record 205 nations, kabilang ang 639 mula sa host nation, sa 302 events ng 28 sports.
Ayon kay Martelino, handa na ang mga titirahan ng Team RP sa Village at may inaasahang darating na grupo bukas ng hapon.