Noon, tig-limang gallon ng tubig ang binubuhat ni Hidilyn Diaz.
Ngayon, totoong weights na ang binubuhat ng 17-gulang na weight-lifter na isa sa 15-atletang umaasa na hindi masa-sayang ang kanilang masusing paghahanda para maiuwi ang kauna-unahang Olympic gold medal sa bansa.
Ang Olympic gold ay may kakabit na P15 milyon na insentibo bukod pa sa isang magarang kotse.
“Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko,” pahayag ni Cruz na nagsabing hindi siya nagkaroon ng normal na buhay dahil sa sa kanyang pagwi-weights. “Hindi ako maka-pagsuot ng mga gown o high heels, Hindi ako nakakapag-boyfriends. Para akong lalaki. Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan kong babae na pumapasok sa eskuwelahan habang ako, nagwi-weights.”
Sa kinalakihan ni Diaz, isa sa pitong anak ng tricycle driver sa isang baryo sa Zamboanga, kailangang mag-igib ng limang galong tubig araw-araw para may pang-inom, panluto at panligo.
“Kailangan naming bumili ng tubig. Piso isang timba,” kuwento ni Diaz na nagsimulang magka-interes sa barbell discs sa edad na 11 at nagbuhat ng weightlifting gym ng kanyang pinsan na dati ring national champion. “Na-curious ako kaya nag-weights din ako.”
Iniwan ni Diaz, ang kauna-unahang weight-lifter na sasabak sa Olimpiyada sa loob ng 20-taon, ang kanyang pamilya sa kaagahan ng taong ito upang mag-training sa China kasama ang mga bigating atleta matapos itong magtapos bilang top-three sa 2003 Southeast Asian Games.
Ang kanyang personal bests sa 58kg. ay malayo sa marka ng double world champion na si Yue Hongmei ng China ngunit para kina House Rep. Monico Puentevella, ang head ng Philippine Olympic delegation, may potensiyal si Diaz.(Mae Balbuena)