Kauna-unahang finals stint asam ng Air21
Kumbinsidong panalo ang kailangan ng Air21 upang maiselyo ang kanilang kauna-unahang finals stint sa Philippine Basketball Associaton (PBA).
“If we have to win the game, we have to put a big lead,” wika ni coach Bo Perasol. “We have to win it in a fashion that is convincing. We really worked hard to build a big lead early.”
Tangka ng Express ang series clinching win sa sa Game-Six ng kanilang semifinal series kontra sa Magnolia Beverage ngayon sa pagdako ng Smart PBA Fiesta Cup sa Cuneta Astrodome.
Nakuha ng Air21 ang 3-2 kalamangan sa best-of-seven championship series matapos ang 92-82 panalo sa Beverage Masters noong Miyerkules upang makabawi sa masaklap na pagkatalo sa Game-Three kung saan naiungos ng Beverage Masters ang 104-102 panalo sa pamamagitan ng clutch basket ni import Amal McCasskill.
Natutuwa si Perasol sa ipinapakita ng kanyang locals na hindi na masyadong umaasa sa kanilang import.”He’s not scoring much but his presence makes his teammates confident,” aniya.
Kailangan uli ng Magnolia ang kabayanihan ni McCaskill upang hatakin ang serye sa deciding Game-7.
Naghihintay na ang Barangay Ginebra ng kalaban sa best-of-seven championship matapos makauna sa finals nang kanilang ma-sweep ang sariling semis series kontra sa Red Bull, 4-0. (MAE BALBUENA)
- Latest
- Trending