^

PSN Palaro

Javier, Ang pupunta na sa Beijing

-

Nakatakdang umalis ngayong araw sina national archer Mark Javier at trap shooter Eric Ang patungong Beijing, China para sa 2008 Olympic Games na nakatakda sa Agosto 8 hanggang 24.

 Ito ang unang pagkakataon na makakalahok sina Javier at Ang sa naturang quadrennial event kung saan hindi pa nananalo ng gold medal ang sinumang Filipino athlete.

 “Sa akin,mas maganda ‘yung nasa gitna ka kasi ‘yung mga kasabay ko are the same sa level ko,” wika ni Javier, nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Silliman University sa Dumaguete. “Kung nasa huli ka, ‘yung mga kalaban mo ‘yung mga pinakamagagaling na.”

 Hangad ng 26-anyos na si Javier na makatudla ng medalya sa 2008 Beijing Games na hindi pa nagagawa ng sinumang national archer.

 Noong 2000 sa Sydney, Australia, hanggang first round lang ang itinagal ni Jennifer Chan, ang coach ngayon ni Javier, samantalang umabot naman sa Top 32 si Jasmine Figueroa sa 2004 Athens Games sa Greece. 

“Ang talagang kalaban mo sa competition ay ‘yung sarili mo. So ‘yung mga athletes from other countries hindi masyadong importante ang score nila. Ang importante ay ‘yung shooting mo, ‘yung score mo,” wika ni Javier.

 Nakapasok si Javier sa 2008 Beijing Games matapos pagharian ang Asian Archery Championships, ang nagsilbing Olympic qualifying tournament.

 Bukod kina Javier at Ang, ang iba pang sasabak sa 2008 Beijing Games ay sina national swimmers Miguel Molina, Ryan Arabejo, JB Walsh, Daniel Coakley at Cristel Simms, taekwondo jins Marie Antonette Rivero at Tshomlee Go, divers Shiela Mae Perez at Rexel Ryan Fabriga, boxer Harry Tañamor, weightlifter Hidilyn Diaz at long jumpers Marestella Torres at Henry Dagmil.

(Russell Cadayona)

ASIAN ARCHERY CHAMPIONSHIPS

ATHENS GAMES

BACHELOR OF SCIENCE

BEIJING GAMES

JAVIER

LSQUO

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with