^

PSN Palaro

Pinoy divers kumpiyansa sa isinagawang training

-

Bukod sa mga magagaling na divers na makakalaban nina Sheila Mae Perez at Ryan Fabriga, ang mapanuring mga mata ng mahihigpit na judges ang isa pang mabigat nilang makakalaban.

Ngunit hindi ito problema sa dalawang divers na nagsabing handa na silang lumaban at kumpiyansa sa kanilang isinagawang training na makakapagbigay sila ng magandang performance para sa bansa sa nalalapit na Beijing Olympics sa Agosto 8.

“Mahirap kalaban ang mga judges. Ibang klase kasi ang scoring system nila. Pero hindi na namin ‘yun  iintindihin kasi hindi naman kami magdadive para sa mga judges, magdadive kami para sa bansa,” ayon sa 23-gulang na si Perez na sinang-ayunan naman ni Fabriga.

Kasalukuyang nasa Trace College sa Laguna sina Perez at Fabriga kasama ang mga swimmers na sina Miguel Molina, James Walsh, Ryan Arabejo, Christel Simms at Daniel Coakley para sa Pre-Olympic Camp ng RP swimming at diving team na sasabak sa Beijing.

Ayon kay Perez, hindi naging madali ang kanilang training para sa pinakamalaking kompetisyon ng kanilang buhay.

“Kung ano yung usual na ginagawa namin sa training ganun pa rin pero pinagdiet kami. Mahirap kasi dapat sakto lang. Pag gumaan ka masyado, mahirap magpush pero pag mabigat ka naman, mahirap umikot,” ani Perez na lalahok sa  individual springboard.

Nakatakda namang lumahok si Fabriga sa 10m flat indiviual.

“Nagconcentrate kami sa entry ko sa tubig kasi meron pang kaunting splash. Nagpalakas din ako sa upper body,” sabi naman ng 21-gulang na si Fabriga na tubong Davao.

Kung tatanungin ang dalawa, handa na silang lumaban at kumpiyansa silang makakapagbigay ng magandang performance para sa bansa. (Mae Balbuena)

BEIJING OLYMPICS

CHRISTEL SIMMS

DANIEL COAKLEY

FABRIGA

JAMES WALSH

MAE BALBUENA

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with