Rubillar magtatangkang mang-agaw ng titulo

Matapos si Brian Viloria, si Juanito Rubillar naman ang magtatangkang hubaran si Mexican Edgar Sosa ng suot nitong world light flyweight crown.

 Nakatakdang hamunin ng 31-anyos na si Rubillar ang 28-anyos na si Sosa para sa hawak nitong World Boxing Council (WBC) light flyweight belt sa Setyembre 20 sa Palacios delos Portes sa Mexico City.

 Ibabandera ni Sosa, tinalo si Viloria, dating WBC light flyweight titlist, via majority draw noong Agosto 14 ng 2007, ang 32-5-0 win-loss-dRAw ring record kasama ang 17 KOs kumpara sa taglay na 46-10-7 (22KOs) card ni Rubillar.

 Nanggaling si Rubillar sa isang panalo kay Omar Nino, inagawan ni Viloria ng korona via first round TKO noong 2006, mula sa isang split decision noong Hunyo 14.

 “Rubillar is so experienced and very tough,” wika ni Sosa sa kanyang mandatory challenger na si Rubillar. “I have to be in excellent condition and fight a smart fight against an opponent who is very aggressive.”

 Ang laban kay Rubillar ang magiging ikaanim na sunod na pagdedepensa ni Sosa ng kanyang suot na WBC light flyweight crown matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Japanese challenger Takashi Kunishige noong Hunyo 14.

 Kagaya ng kanyang laban kay Viloria, inaasahan ni Sosa na magiging mabigat ring kalaban si Rubillar, ang kasalukuyang light flyweight king ng Orient Pacific Boxing Federation (OPBF).

 “Sure. Each time I step in the ring, The Mexican flag next to me remind me that I also fight for my country,” wika ni Sosa sa isa na namang Philippines vs Mexico rivalry. (Russell Cadayona)

Show comments