^

PSN Palaro

Kinapos si Banal

-

Hindi pa panahon para kay AJ “Bazooka” Banal.

Gamit ang eksperyensa at tibay ng puso, umiskor si Rafael “El Torito” Concepcion ng Panama ng isang 10th-round TKO sa 19-anyos na si Banal para angkinin ang World Boxing Association (WBA) interim super fly-weight championship kamakalawa ng gabi sa Cebu City Coliseum.

Ang naturang kabiguan ang nagbaba sa win-loss-draw ring record ni Banal sa 17-1-1, kasama ang 14 KOs kasabay ng pag-angat ng 11-2-1 (7 KOs) slate ni Concepcion.

“I’s stronger tham him,” sambit ni Concepcion, iniwan ang kanyang nine-month old na anak sa Panama para sagupain si Banal sa nasabing WBA interim super flyweight fight kung saan pag-aagawan naman nina Japanese No. 1 Nobuo Nashiro at No. 2 Kohei Kono ang korona sa Setyembre 15.

Ang mananalo sa pagitan nina Nashiro at Kono ang siyang hahamunin ni Concepcion para sa WBA super flyweight belt.

Kaagad na napadugo ni Banal ang ilong ni Concepcion sa first round bago nanghina ang Filipino fighter sa seventh round kasunod ang pagluhod sa 2:35 ng 10th round kung saan hindi na siya nakatayo pa sa kanyang corner.

Bago isuko ang laban, nakakuha si Banal ng 86-84 puntos kay judge Philippine Verbek ng Belgium 88-82 kay Francisco Martinez ng New Zealand at 86-84 kay Charlen Prayasab.

Sa iba pang laban, tinalo ni Milan Milendo si Carlos Melo ng Panama via unanimous decision, habang umiskor si Michael Domingo ng isang second-round TKO kay Rivo Reng kung ng Indonesia. (RCadayona)

CARLOS MELO

CEBU CITY COLISEUM

CHARLEN PRAYASAB

CONCEPCION

EL TORITO

FRANCISCO MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with