Pagulayan sa semis
SINGAPORE -- Nakapasok si former World Pool Champion Alex Pagulayan sa semifinals sa Singapore leg ng Guinness 9 Ball Tour 2008 matapos ang 9-4 panalo laban kay Nguyen Anh Tuan ng Vietnam sa quarterfinals kahapon dito sa Velocity @Novena Square.
Maagang kinontrol ni Pagulayan ang laban matapos manalo sa lag, para kunin ang 4-1 kalamangan ngunit nakahabol ang Vietnamese para dumikit sa 6-4, gayunpaman, ang kanyang magkasunod na mintis ang nagbigay pagkakataon sa Pinoy na kumuha ng tatlong sumunod na racks tungo sa kanyang tagumpay.
Nakakasiguro na ang 30-gulang na si Pagulayan ng $3,500 (P157,500) makaraang makapasok sa semifinals, at susunod niyang makakalaban ang mananalo sa quarterfinal match ng kanyang kapwa Pinoy na si Joven Bustamante at Wu Chia Ching ng Chinese Taipei habang sinusulat ang balitang ito.
“It was a big help that he missed some shots because I was struggling a bit. I played better yesterday because my opponents also played better. In a way, Nguyen had some difficulty because probably, it’s his first time on TV while in competition. I made my shots but I didn’t feel good today,” ani Pagulayan.
Natalo si Pagulayan sa isa pa niyang laban sa group stages, ngunit nanalo sa tie-break laban kay Ibrahim Bin Amir ng Malaysia sa Group G para makapasok sa final eight.
Noong Biyernes ng gabi, nakapasok sa quarterfinals sina WPA world number one Dennis Orcollo ng Philippines matapos tanggalan ng korona si defending Grand Finals champion Chang JungLin ng Chinese Taipei, 9- 7, sa Group A.
Kasalukuyang kalaban ni Orcollo si Fu Jian Bo ng
- Latest
- Trending