Para kay Baracael ang panalo ng FEU
Ang nangyari kay Mac Baracael ay hindi naging hadlang para sa Far Eastern University kundi naging inspirasyon pa ito para sa kanila.
Bumangon ang FEU Tamaraws mula sa 10-point deficit sa second period tungo sa emosyunal na 71-69 panalo kontra University of the East 71st UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
“Every game talagang dedicated namin para kay Mac,” ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Benedict Fernandez, beterano sa FEU na naging emosyunal sa laro dahil sa pagkawala ni Baracael na binaril sa likod ng isang di kilalang lalake noong Huwebes ng gabi sa labas ng FEU Gym sa Morayta pagkatapos ng kanilang ensayo.
Nasa Intensive Care Unit (ICU) pa sa Capitol Medical Center sa
Umangat ang Tamaraws sa 4-1 sa ilalim ng Ateneo Blue Eagles (4-0) at nagdedepensang La Salle Green Archers (4-1) na nanalo naman sa Univ. of the Philippines, 82-60 para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.
Nalaglag ang Red Warriors sa 3-3 at ang Maroons ay sumadsad sa 1-5. (MB)
- Latest
- Trending