Ferriol, Alfonso naghari sa Shell Batangas chess
Nagtala ng magkaibang tagumpay sina Gerald Ferriol ng UST at Jeremiah Alfonso ng FEU sa kani-kanilang dibisyon upang makakuha ng puwesto sa national finals ng Shell National Youth Active Chess Championships.
Si Ferriol, isa sa 23 players na nagwagi sa unang tatlong asignatura sa juniors division ng Batangas leg sa SM City Batangas ay nakipag-draw kay Nelson Mariano III sa ikaapat na round bago winalis ang huling tatlong laban kontra kina Jeffeson Palma, Amram Rivas at Antonio Chavez para magtapos na may 6.5 points.
Ang 22 ranked na si Ferriol ay nanalo kina Sheider Nebato at Mariano sa tiebreak upang angkinin ang pangunahing karangalan sa 20-and-under class. Ngunit higit na nagningning ang 6th ranked na si Alfonso nang gulantanging ng FEU bet sina top seed McDominique Lagula sa sixth round bago nanaig kay No. 3 Jerad Docena sa final round upang makumpleto ang sweep sa kiddies class ng torneong ito na hatid ng Pilipinas Shell.
Sinorpresa din ni Vince Angelo Medina ang second seed na si Avhix Alfonso sa last round upang makatapos na may 6.5 points para sa solong ikalawa habang nagtapos naman si Docena na may six points bago tinalo sina Giovanni Mejia at Christian Flores sa tiebreak para sa ikatlong pwesto para sa grand finals.
Ang iba pang binigyan ng parangal ay sina Alexis Anne Osena ng
- Latest
- Trending