KO ang sandata ni Concepcion kontra kay Banal
Ang knockout ang nakikitang sandata ni Rafael “El Torito” Concepcion ng Panama laban kay Filipino AJ “Bazooka” Banal para makuha ang bakanteng World Boxing Association (WBA) super flyweight crown.
“I believe El Torito will be stronger, so we can pressure him (Banal) and go for a knockout,” wika ng manager ni Concepcion na si Damon DeBerry ng Optimum Sports Agency. “Rafael can do anything, he can box and hustle. And we’re ready for 12 rounds.”
Nakatakdang pag-agawan ng 19-anyos na si Banal at ng 26-anyos na si Concepcion ang WBA super flyweight belt na binakante ni Alexander Munoz ng Mexico sa Hulyo 26 sa Cebu City.
Kagaya ni Concepcion, inaasahan rin ni Banal na makaka-iskor siya ng isang knock-out para sa inaasam niyang unang world boxing title.
“Nagawa ko na ang lahat ng dapat gawin sa training. Siguro kung may pagkakataon na ma-knockout ko siya, gagawin ko,” wika ni Banal, nagdadala ng 17-0-1 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KOs kumpara sa 10-2-1 (6 KOs) card ni Concepcion.
Nagmula si Banal sa isang fourth-round TKO kay Caril Herrera ng Uruguay noong Abril 6 sa Araneta Coliseum para sa International Boxing Federation (IBF) eliminator.
“Anything AJ (Banal) brings on the ring we’ll be prepared,” wika ni DeBerry. ”We don’t care if he’s a favorite son or prodigal son. We can match his skills and take this opportunity to be a world champion.”
Ito ang unang pagkakataon na lalaban sa labas ng Panama si Concepcion.
“Honestly, we don’t care about the crowd. We’ll go there and bring our fight that will please the crowd. We’ll fight a good fight, a competetive fight that fans will appreciate,” dagdag ni DeBerry sa laban ni Concepcion kay Banal. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending