^

PSN Palaro

4 na sundalong atleta sasabak sa Beijing Olympics

-

Apat na sundalo kabilang ang isang Army Sergeant na boksingero ang isasabak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gaganaping Beijing Olympics sa darating na buwan ng Agosto. 

Si Sergeant Harry Tañamor, ay siyang pambato ng Philippine Army at kaisa-isang pag-asa para makakuha ng ginto sa boxing. 

Si Tañamor ay nagcourtesy call  nitong Miyerkules  kay AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano sa Camp Aguinaldo kaugnay ng nakatakdang biyahe nito patungo sa China kasabay ng pangakong sisikapin niyang masungkit ang gintong medalya sa nasabing palakasan. 

Ang tatlo pang Olympians ay sina Corporal Maristella Torres (athletics), Airman First Class Tshomlee Go (taekwondo) at  Chief Petty Officer Ramon Solis (weightlifting). Ang mga ito ay nauna nang umalis patungong Beijing kay Tañamor para magsanay muna bago sumabak sa kumpetisyon doon. 

“Gagawin ko lahat ng makakaya ko,” determinadong pahayag ni Tañamor sa pagharap nito sa mediamen kahapon kung saan ito ang ikalawang pagkakataon na sasali ito sa nasabing Olympics. 

Itinuturing naman ni Tañamor na pinakamahigpit niyang makakalaban ang Chinese boxer na tumalo sa kaniya para makuwalipika sa Olympic sa Chicago noong nakalipas na taon. 

Noong 2004 Athens Olympics sa Greece ay nakapasok sa quarterfinals si Tañamor. 

Sa tala ang pinakamataas na nakuha sa Olympic sports contest ng Pilipinas ay noong 1996 sa Atlanta, Georgia kung saan si boxer Mansueto “Onyok “ Velasco ay nagwagi ng silver medal.  Si Velasco ay isang enlisted sa Philippine Navy. 

“This is our only hope for a medal in boxing in the forthcoming Beijing Olympics and we are very proud because he is a member of the Philippine Army and the Armed Forces of the Philippines,”  ayon naman kay Yano na isa ring kilalang boksingero sa panahon nito sa Philippine Military Academy  (PMA).  Si Yano ay nagtapos sa PMA Class 1976.

“Let’s pray for the success of his bouts, we all know that the Olympics gathers the best boxers in the world,”  ang sabi pa ng Chief of Staff. (Joy Cantos )

AIRMAN FIRST CLASS TSHOMLEE GO

ALEXANDER YANO

BEIJING OLYMPICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with