Basted ang San Sebastian sa Letran
Makaraang bigyan ng magandang laban ang nagdedepensang mga Red Lions, inasahan na ng mga Knights ang ma-tinding laro mula sa mga Stags.
Mula sa kinabig na game-high 26 puntos, 17 rebounds at 3 assists ni small forward Dino Daa, iginupo ng Letran College ang five-time champions San Sebastian College-Recoletos, 71-67, sa first round ng 84th NCAA men’s basketball tourna-ment kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa ikalawang laro, bini-go naman ng Jose Rizal University ang University of Perpetual Help-Dalta System, 74-57, na tinam-pukan ng 21 marka, 2 rebounds, 3 assists at 2 steals ni pointguard Mark Cagoco para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.
Ang tagumpay ang nag-angat sa Knights sa bisa ng kanilang 4-0 re-kord sa itaas ng San Beda Red Lions (3-0), Mapua Cardinals (4-1), College of St. Benilde Blazers (2-3), Jose Rizal University Heavy Bombers (1-2), Stags (1-4), University of Perpetual Help-Dalta System Altas (1-3) at Philippine Christian Uni-versity Dolphins (1-4).
Matapos kunin ng San Sebastian ang third pe-riod, 48-45, nanggaling sa 83-84 overtime loss sa San Beda noong Lunes, isang 13-0 ratsada ang inilunsad naman ng Letran buhat kina Daa, RJ Jazul, Reymar Gutilban at John Foronda para sa kanilang 58-48 lamang sa 7:30 ng fourth quarter.
Isang 8-0 bomba ang inihulog ng Stags galing kina Jimbo Aquino at Jim Viray upang makalapit sa 56-58 sa 6:04 ng labanan bago ang 10-3 atake ng Knights para muling ma-kalayo sa 68-61 sa nati-tirang 34.7 segundo.
Sa high school divi-sion, pinitas naman ng nagdedepensang Stag-lets ang kanilang 4-0 mar-ka nang payukurin ang Squires, 79-70, samanta-lang tinalo ng Light Bomb-ers ang Altalettes, 107-95. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending