Paeng muling kinilala sa Guinness Book of World Records
Sa ikatlong pagkakataon, pinarangalan si 6-time World champion Paeng Nepomuceno ng Guinness Book of World Records, bilang bagong record sa pagkapanalo ng pinakamaraming worldwide career tournament championship titles. Humakot si Paeng ng 118th career championship noong nakaraang Setyembre 2007 sa Melbourne, Australia, makaraang mapagwagian ang South Pacific Classic pinakaprestihiyosong individual tournament sa Australia. Tinalo ni Paeng ang 23 anyos na si Jason Belmonte para sa korona na naging resulta sa pagkilala sa Pinoy bowler sa pagkakaroon ng tatlong unbroken Guinness World Records.
Dahil sa tagumpay din niyang ito, ginawaran si Paeng ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sa Malakanyang ng Order of Lakandula with Special Class of Champion for Life noong Enero 3, 2008.
Sa sertipikasyon ng Guinness, nakasaad dito na “ The records for the most tenpin bowling titles in career is 118 and was achieved by Paeng Nepomuceno (Philippines) on 18 September 2007.”
Ang hindi pa natatabunang Guin-ness World Records ng Hall of Famer ay ang pagwawagi niya ng apat na World Cup titles sa tatlong magkakaibang dekada (70s,80s,90s).
“This is a great honor and I’d like to share it with all my countrymen,” wika ni Paeng. “Whenever I compete, my countrymen always give me a great support which gives me a great inspiration to always do my best.”
Binati si Paeng ng Guinness World Records Management Team.
- Latest
- Trending