Lilipad pa kaya si Captain Marbel?
Kahit pa pumasok sa quarterfinals ng PBA-Smart Fiesta Conference ang Coca-Cola ay maagang nagwakas ang season ni Kenneth Duremdes na inilaglag ng Tigers sa reserved list bago nagsimula ang kanilang duwelong Magnolia Beverage Masters.
Nagsimula ang torneo nang nasa active list si Duremdes subalit hindi siya ginamit ni coach Binky Favis sa kanilang opening game kontra Talk N Text sa Panabo City Davao del Sur. Well, coaching decision daw iyon dahil hindi lang naman si Duremdes ang nabangko kundi pati sina John Arigo at Ricky Calimag na mga dating inaasahan din noong nakaraang Philippine Cup.
Pero nang lumaon ay hindi na talaga nagamit ang manlalarong tinaguriang “Captain Marbel” samantalang kahit paano’y sinubukan ni Favis na ipasok sina Arigo at Calimag.
So, natapos ang elims nang hindi talaga nabigyan ng exposure si Duremdes at tagapalakpak lang siya sa bench. Napakamahal namang cheerleader niya.
At ngayon nga’y inilaglag siya sa reserved list.
Kung sabagay, hindi na talaga nagamit si Duremdes sa elims, hindi na rin siya kakailanganin pa sa quarterfinals. Kasi, naka-survive ang Tigers nang wala siya at nakarating na nga sa yugtong ito. Baka nga naman kung gagamitin siya sa quarterfinal ay maging counter-productive pa iyon. Sanay na kasi ang Tigers sa kasalukuyang sistema nila.
So, end of the line na nga ba para kay Duremdes na isang dating Most Valuable Player awardee? May natitira pa naman sa kanyang kontrata at siguradong babayaran naman siya ng Coca-Cola kung saka-sakaling wala nang balak ang Tigers na i-reactivate siya.
Kaya lang, may nagsasabing
Sa ganoo’y baka may ibang teams na naghangad na maisama siya sa kanilang line-up. Isang halimbawa na nga ang Welcoat Dragons na nangulelat ulit. Baka kung nasa Welcoat si Duremdes ay napakinabangan din siya hindi lang sa magagandang numero kundi pati na rin sa leadership qualities niya.
Kung hindi na nga lalaro si Duremdes, hindi na rin siguro siya manghihinayang dahil sa maganda naman ang kanyang naging basketball career. Nakamit niya ang mga bagay na pinapangarap lang ng ibang basketbolista.
Bukod sa naging Most Valuable Player siya at naging miyembro ng ilang champion teams ay nakapaglaro din siya para sa National squad. At siyempre, nakaranas siyang mabayaran ng maximum sa kanyang PBA career!
Wala na siyang hahanapin pang iba!
- Latest
- Trending