Dela Peña, NCAA PoW

Sa matinding tatlong su­nod na laban sa loob ng isang ling­go, ipinakita ni Kelvin Dela Pe­ña kung bakit siya nanalong Most Valuable Player noong na­karaang ta­on.

Sa likod ng kanyang mga averages na 12 puntos, 8 re­bounds, 5 assists at 2 steals ka­da laro para sa Mapua, ti­nanghal ang FilCanadian na si Dela Peña bilang NCAA Press Corps Player of the Week sa 84th NCAA men’s basketball tournament.

“I’m glad and thankful peo­ple recognizes my ef­forts,” sambit ng 6-foot-2 na si Dela Pe­ña, nagbida sa tat­lo sa apat na sinasakyan nga­yong winning streak ng mga Cardinals.

Sa likod ng kanyang all-around plays, kinilala si Dela Peña bilang MVP noong 20­07 sa gitna ng dominasyon ng San Beda Red Lions sa ika­lawang sunod na taon.

“But my main focus right now is to help the team win because nothing would make me happy than to lead my team to winning the title,” wika ni Dela Peña.

Si Dela Peña ang inaa­sa­han ni coach Leo Isaac na mag­papasok sa Mapua sa Fi­nal Four.

Tinalo ni Dela Peña para sa naturang weekly honor ang kan­yang mga katropang sina rookie Allan Mangahas at Neil Pascual. (RCadayona)

Show comments