Gold, silver kina King, Miranda sa all-events
HONG KONG--Muling nagpamalas ang beteranong si Chester King ng maningning na performance at ang kanyang teammate na si Raoul Miranda upang ibigay sa Philippines ang gold-silver finish sa men’s all-events competition nitong Miyerkules sa 20th Asian tenpin bowling championships dito.
Nagdagdag pa si King ng three-game series na 648 pins para sa kanyang Asian 3-game record na 813 na humigit sa 24-game total na 5534 (230.58 average) mula sa kanyang singles, doubles, trios at team outings, habang si Miranda, na nakatiyak na ng singles bronze medals ay nagtala ng 5444 (226.83) na siyang pumigil sa United Arab Emirate’s na si Hussain Al-Suwaidi, na nakuntento lamang sa bronze sa kanyang 5366 (223.58).
Ang unang matikas na paghagis ni King ang siyang nagbigay dito ng unang individual gold matapos na makipagpareha kina Miranda at Frederick Ong at nakuha ng mga Filipinos ang kanilang unang gold medal sa mahigpitang isang linggong kegfest na ito.
Bumagsak naman sina King, Miranda, Ong (5109), Tyrone Ongpauco (4941) at Vlad Tuazon (4878) sa ikaanim na puwesto sa five-player team event tampok ang six-game series na 6364 pins na kanilang pinagulong.
- Latest
- Trending