^

PSN Palaro

Mapua, nakatatlo na; Bedans dalawa naman

- Mae Balbuena -

Sumulong sa ikalawang sunod na panalo ang defending champion San Beda College habang dumiretso naman ang Mapua Institute of Technology sa ikatlong sunod na tagumpay matapos igupo ang magkahiwalay na kalaban kahapon sa 84th NCAA men’s basketball tournament  na nagpatuloy sa Cuneta Astrodome.

Tumapos si Borgie Hermida ng 15-puntos, tatlong rebound at dalawang assists para sa SBC Red Lions na sumalo sa liderato sa pahingang Colegio De San Juan de Letran.

Matapos mabigo sa kanilang opening game, dumiretso naman sa ikatlong sunod na panalo ang MIT Cardinals  matapos ang 76-65 panalo sa University of Perpetual Help Dalta System sa unang laro.

Sumandal ang Cardinals kina Fil-Canadian Kelvin Dela Peña at TG Guillermo sa final canto upang masolo ang ikalawang posisyon habang nalasap naman ng Perpetual Altas ang ikalawang talo sa 3-laro.

Pinamunuan ng 6-foot-2 na si Dela Peña ang Cardinals sa pagkamada ng 16 marka, 10 rebounds at 6 assists kasunod ang 12 puntos ni Jonathan Banal.

Sumadsad naman ang PCU Dolphins sa ikatlong sunod na kabiguan sanhi ng kanilang pagkakabaon sa kulelat na posisyon.

Dalawang krusyal na three-point shot naman ang kinana ni Dela Peña, gayundin si Guillermo para  ilayo ang Mapua sa, 73-64, sa natitirang 36.1 segundo upang tuluyang iwanan ang Perpetual.

Sa high school division, tinalo naman ng Altalettes ang Red Robins, 106-51.

BORGIE HERMIDA

COLEGIO DE SAN JUAN

CUNETA ASTRODOME

DELA PE

FIL-CANADIAN KELVIN DELA PE

GUILLERMO

JONATHAN BANAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with