GUANGZHOU, China — Gaya ng inaasahan, maningning na binuksan ng Manila Big Leaguers at Bacolod Major at Junior Leaguers ang kani-kanilang kampanya matapos na walisin ang mga kalaban sa panimula ng Asia Pacific elimination ng World Series nitong Lunes sa Guandong Olympics Training Center.
Ipinamalas ng Manila 16-18 Big Leaguers ang mas matikas nilang performance sa five inning regu-lation matapos na bokyain ang Indonesia, 18-0 sa panimula ng kanilang two-team best-of-five upang umusad ng dalawang panalo at maibalik ang korona na natalo sa kanila noong nakaraang taon at muling katawanin ang rehiyon sa division World Series sa susunod na buwan sa Kalamazoo, Michigan.
Hindi rin nagpahuli ang Bacolod, (11-12) softbelles ng iposte ang 11-0 panalo laban sa Guam, habang blinangko naman ng kanilang 13-14 counterparts ang Guam, 3-0 upang lumapit rin patungo sa World Series sa kani-kanilang kategorya na nakatakda sa Portland, Oregon.
Pero ang dobleng tagumpay ng Bacolodnons sa 11-12 at 13-14 age brackets ay nabahiran ng lungkot matapos na mabalewala sa dahilang nabigong maibigay ang pera na pambayad sa entry fees na nagkakahalaga ng $9,000 sa gabi ng laban, na siyang deadline na ibinigay ng cham-pionship organizing committee.
At ang masama pa nito, nagbanta ang Chinese organizing committee na patalsikin ang lahat ng tatlong koponan mula sa City of Smile, kabilang ang Senior Leaguers (16-18) mula sa kanilang dormitoryo na kanilang inookupahan mula ng dumating dito noong Linggo sa provincial sports complex.
At upang makalahok sa mga karangalan, ang bawat koponan na inilahok sa four-division elimination ay kaila-ngang magbayad ng tourna-ment fees na $3,000 kung saan ang Bacolod contingents ay nabigong maiba-yad ito habang ginaganap ang meeting ng coaches at managers nitong Linggo.