Kinailangan ng Colegio de San Juan de Letran ang mainit na laro ni RJ Jazul upang igupo ang College of St. Benilde, 88-71 sa pag-usad ng 84th NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome kahapon.
Nagsumite si Jasul ng career-high na 37-puntos bukod pa sa walong rebounds, limang assists at tatlong steals para sa Letran Knights na nag-sulong sa kanila sa ikalawang sunod na panalo.
Bunga nito, naagaw ng 2005 champion na Letran ang liderato sa Blazers na bumagsak naman sa ikalawang puwesto matapos masira ang kanilang two-game winning streak.
Nabaon ang Knights sa unang quarter ng walong puntos ngunit bumangon ang Let-ran upang makapag-tala ng 14-puntos na kalamangan sa ikaapat na canto.
“Kahit na masama ang depensa namin sa first half, we were able to cut the deficit sa four points at half-time,” ani coach Louie Alas ng Letran.
Buhat sa 13-21 pag-kakabaon sa first quarter, sumulong ang Knights sa 76-62 kalamangan papasok sa huling 5:20 minuto ng labanan .
Double victory kaha-pon ang Letran matapos manalo ang Squires kon-tra sa CSB-La Salle Greenies, 103-99 para sa 2-0 record din.
Sumulong naman ang defending champion San Sebastian Staglets sa 3-0 kartada matapos ag 89-65 pananalasa sa JRU Light Bombers.