Gin Kings lumapit sa ouright quarterfinals

Lumakas ang tsansa ng Barangay Ginebra sa awtomatikong quarterfinal slot nang kanilang pasadsarin ang Barangay Ginebra, 111-96 sa pag-usad ng 2008 Smart PBA Fiesta Conference na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.

Nagbida si Mark Caguioa sa pagkamada ng 26-puntos mula sa kanyang 10-of-19 field goal shooting tungo sa ikalimang sunod na panalo ng Ginebra na umangat sa 9-8 kartada katabla ang nagdedepen-sang Alaska.

Kailangang ipanalo ng Ginebra ang huling asig-natura laban sa Alaska upang makakuha ng isa sa tatlong awtomatikong quarterfinals berth kung saan mahigpit nilang kalaban ang Aces, Magnolia at Coca-Cola na tabla sa 10-8 at ang Talk N Text na may 8-9 kartada.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Red Bull at ang Phone Pals kung saan ang panalo ng second running na Bulls, may 10-6 kartada ay magbibigay sa kanila ng ikalawa at huling outright semis slot.

Ang unang semifinals ticket ay nakuha na ng Air21 na nagtapos ng 12-6 record.

Mula sa 75-all pagta-tabla ng iskor, gumamit ang Gin Kings ng 10-4 salvo para sa 85-77 kalamangan na kanilang pinalaki 22 puntos, 108-86, buhat sa isang hook shot ni seven-foot import Chris Alexander sa huling 5:01 ng laro. 

Samantala, pinag-multa si Alexander ng P1,600 mula sa kanyang verbal altercation kay Phone Pals’ import Terrence Leather na hinatulan naman ng P5,000 fine buhat sa kanyang verbal altercation at tripping without contact, noong Hunyo 29.

Multang P1,600 rin ang ipinataw kay Kelly Williams ng Realtors dahil sa second motion sa kanilang laban ng Giants noong Hunyo 27.

Show comments