Kabiguan, balewala kay Diaz?
Si David Diaz, na naagawan ng World Boxing Council lightweight crown matapos pabagsakin ni Manny Pacquiao sa ika-9th round noong Linggo, ay nakangiting tinanggap ang kabiguan,
“Yes, he’s in good spirits. He’s okay,” anang kanyang publicist na si Bernie Barhmasel, na nagpa-pahinga matapos ang kanyang laban. Sinabi rin nito na ilang oras din itong nagbabad sa pool dahil sa pag-akyat ng temperatura.
Si Diaz, na ayon kay Barhmasel, ay dinala sa Valley Hospital pagkatapos ng post-fight press conference sa Events Centre kung saan sinagot niya ang ilang katanungan tugkol sa laban.
May malalim na sugat si Diaz sa itaas ng kanang mata at nangailangan ng anim na tahi para isara ito. May sugat din ito sa may ilong ngunit hindi na tinahi at namamagang mata na bunga ng malakas na right hook ni Pacquiao.
Nag-ubos din ng oras dito sa
Sa kanyang paglabas sa lugar na pinagdausan ng laban, nagkasalubong sina Diaz at Pacquiao. Nag-usap at nagyakapan na senyales ng isang tunay na ‘sportmanship’.
Puro papuri sa lakas at bilis ang sinabi ni Diaz kay Pacquiao.
“I thought I could handle his speed but not his power. I’ve faced quicker opponents. But he was so fast, fast, fast. I thought Freddie Roach (Pacquiao’s trainer) was also in there hitting me,” ani Diaz.
Bagamat talunan ito, wala pa rin sa isip ang pagreretiro.
“Today I lose, tomorrow I win,” anang dating former champion. “We just live to fight another day.”
- Latest
- Trending