Pinoy nagdiwang sa dobleng tagumpay ng mga bowlers
Dobleng selebrasyon ang ipinagdiwang ng Philippines nang magtagumpay sina Benshir Layoso at Apple Posadas sa ABF Tour Philip-pines Leg sa SM Bowling Cen-ter noong Linggo ng hapon.
Tinalo ni Layoso, na nag-kampeon sa 37th Philippines International Open, si Chester King para sa all-Pinoy finals, na nagbigay sa kanya ng titulo sa men’s Tour habang dinaig naman ni Posadas si Lovella Catalan para naman sa women’s.
Tinanghal ding ikalimang bowler sa kasaysayan ng ABF Tour si Layoso na nagkampeon sa ABF men’s title isang araw pagkatapos naman ng interna-tional open men’s.
Unang tinalo ni Layoso si Cha Ji Hyun ng Korea sa kanilang semis para makarating sa finals.
Naging impresibo ang 38 anyos na si Layoso sa Round 2 nang magpagulong ito ng 278 upang patalsikin ang kababayang si Paulo Valdez na nagposte ng 206. Dinaig din ni Layoso ang isang pang Koreano na si Son Young Seok, 238-185 sa Round 1.
Ngunit kinailangan niyang kumayod sa final match kontra kay King nang magpagulong ang huli ng 234 at nagpuwersa kay Layoso na maka-strike para maiuwi ang korona sa iskor na 239.
Samantala, tinalo ni
- Latest
- Trending