Sa kabila ng pagiging abala sa pre-parasyon ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada, nagawa pa rin ni American trainer Freddie Roach na bumiyahe patungo sa Tachi Palace Hotel & Casino sa Le-moore, California para sa laban ni Fil-Am super bantamweight Ana Julaton.
At hindi naman nasayang ang pagod ng 48-anyos na si Roach.
Isang right straight ang ikinonekta ng 27-anyos na si Julaton sa kaliwang panga ni Salina Jordan sa huling 37 segundo ng first round para pagandahin ang kanyang win-loss-draw ring record sa 4-0-0 kasama ang 1 KO.
“I was just doing the combos coach has been asking me during practice. I felt it in my hands when I hit her, I knew it was a good punch. I guess it just surprised me how hard I hit,” wika ni Julaton, nakakasabayan sina Pacquiao, Gerry Peñalosa, Diosdado Gabi at Bernabe Concepcion sa Wild Card Boxing Gym ni Roach.
Isang left jab kasunod ang overhand right ang ibinato ni Julaton kay Jordan, may 2-5-0 (1KO) ngayon, na agad na nagpabagsak sa 36-anyos na feather-weight fighter sa kaagahan ng laban.
Matapos ang standing eight-count kay Jordan, muling sumugod si Jula-ton, nakilala bilang “Hurricane Ana”, para pakawalan ang isang left hook at right straight combination patungo sa pagpapatulog sa una.
Matapos ang naturang panalo ni Julaton, kaagad na tumalilis si Roach pabalik sa Las Vegas para sa official weigh-in ng 29-anyos na si Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) super featherweight cham-pion.
Susunod na makakasagupa ni Julaton si Johanna Mendez (3-0-0, 1KO) sa Hulyo 5 sa Planet Hollywood Events Center. (Russell Cadayona)