^

PSN Palaro

Asam na 3-peat title sisimulan na ng Bedans

-

Sisimulan ng San Beda College ang pagdedepensa ng titulo para sa ikatlong sunod na korona sa pagbubukas ng  84th NCAA men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Makakasagupa ng Bedans ang host Mapua sa alas-2:00 ng hapong sagupaan matapos ang makulay na opening ceremonies sa ala-una ng hapon.

Ang runner-up noong nakaraang taon na Colegio De San Juan de Letran ay sasagupa sa Jose Rizal University sa alas-4:00 kasunod ang engkwentro ng  University of Perpetual Help  at San Sebastian College sa alas-6:00 ng gabi.

Matapos mawala sa eksena noong nakaraang taon dahil sa suspension, magbabalik ang Philippine Christian University na haharap sa College of St. Benilde  sa ikaapat at huling laro sa alas-8:00 ng gabi.

Halos di natinag ang line-up ng three-peat seeking Red Lions na muling pangungunahan ng Nigerian center na si Sam Ekwe, ang Finals Most Valuable Player (MVP) ng nakaraang taon na si Ogie Menor at ang third year guard na si Pong Escobal.

Tanging si Yousif Aljamal lamang na naglalaro na ngayon sa PBA ang nawala sa line-up ngunit lumakas ang kanilang frontline dahil sa pagdating ni  dating PCU Baby Dolphins stalwart Elvin Pascual na naging isyu pa bago ito tuluyang malagay sa line-up ng San Beda.

Ayaw sanang palaruin ang 6-foot-6 na si Pascual, ang 2006 MVP at Rookie of the Year, ng Management Committee (MANCOM) dahil isa siya sa limang players na kasama sa NCAA report na nandaya ng dokumento para makalaro sa PCU. (MBalbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BABY DOLPHINS

COLEGIO DE SAN JUAN

COLLEGE OF ST. BENILDE

ELVIN PASCUAL

FINALS MOST VALUABLE PLAYER

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with