^

PSN Palaro

Pinoy shuttlers humataw

-

Ito na ang sinasabing ‘breakthrough win’ para sa mga bagitong local shuttlers.

Umiskor ang Philippine Team ng dalawang panalo sa boy’s singles at mixed doubles event laban sa Brunei sa paghataw ng singles competition kahapon sa 14th ASEAN Schools Badminton Championships sa Ninoy Aquino Stadium.     

Tinalo ng 14-anyos na si Joper Escueta si Noriskandar Bin Omar, 21-12, 21-14, sa boys’ singles event, habang sinibak naman nina Greg Paz at Gelli Ramos sina Rahimin Bin Mohd Azri at Sazunilla Bte Saat, 21-8, 21-7, sa mixed pair.

Ang nasabing mga tagumpay ni Escueta, gold medalist sa elementary at high school division ng Palarong Pambansa, at dalawahan nina Paz at Ramos ang nagpasok sa kanila sa quarterfinals na hahataw ngayong umaga.

Nanggaling ang Nationals sa isang magkatulad na 0-5 pagkakablangko sa boy’s at girl’s team competitions.  

Kaugnay nito, ang Indonesia pa rin ang patuloy na nagrereyna sa girls’ team event, samantalang ang Thailand  ang naghahari sa boys’ team event. (Russell Cadayona)

GELLI RAMOS

GREG PAZ

JOPER ESCUETA

NINOY AQUINO STADIUM

NORISKANDAR BIN OMAR

PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE TEAM

RAHIMIN BIN MOHD AZRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with