^

PSN Palaro

Wu sa finals uli

-

PUERTO PRINCESA -- Nakapasok uli si former World Pool champion Wu Chia-Ching sa championship round habang dalawang Pinoy ang naglalaban para sa huling finals berth.

Umusad si Wu sa finals sa pamamagitan ng kanyang pinaghirapang come-from-behind 9-8 victory laban kay double world champion Ralf Souquet sa isa na namang mainit na pagtatapos sa Puerto Princesa Mayor’s Cup, ang second leg ng Philippine Pool Tour Ten Ball bash dito sa Puerto Princesa Coliseum.

Muntik nang di makapasok sa semifinals matapos ang 9-8 panalo kay Marlon Manalo, at muling napasabak sa gitgitang labanan ang 19-gulang na si Wu laban kay Souquet.

Nabaon si Wu sa 2-5, ngunit nakabangon ito nang ipasok niya ang blue 10 sa kanyang pagbreak sa 12th rack para itabla ang iskor sa 6-all at nakuha nito ang sumunod na dalawang racks para sa 8-6 kalamangan ngunit naipuwersa ni Souquet ang 8-all pagtatabla ng iskor.

Abot kamay na ni Souquet, galing sa 9-3 panalo laban kay first leg winner Gaga Gabica ngunit sumama ang kanyang break sa final rack na 17th nang mascratch ang cue ball na nagbigay ng pagkakataon kay Wu na makopo ang titulo sa event na inorganisa ng Billiards and Snookers Congress of the Philippines sa tulong ng Star Billiards Center, Raya Sports,  San Miguel Beer at Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn.

Susunod na makakalaban ni Wu ang winner sa isa pang knockout semis match sa pagitan nina Manalo at reigning national junior champion Jericho Bañares na naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

BILLIARDS AND SNOOKERS CONGRESS OF THE PHILIPPINES

GAGA GABICA

JERICHO BA

MARLON MANALO

PHILIPPINE POOL TOUR TEN BALL

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR EDWARD HAGEDORN

PUERTO PRINCESA COLISEUM

SOUQUET

WU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with